Alegorya ng yungib - [PPTX Powerpoint] (2023)

PowerPoint Presentation

Ang Alegorya ng Yungib ni Plato (Isinalin sa Filipino ni WillitaA. Enrijo)

Talasalitaan:Panuto: Pagtambalin ang mga salitang nasa loob ngkahon na magkatulad o magkaugnay ang kahulugan. Gamitin sa sarilingpangungusap. Gawin sa iyong kuwaderno.

nagliliyab pagmasdan wastong pag-iisip mahirati pagmasid mahirapintelektuwal mahumaling

Ang Alegorya ng Yungib ni Plato (Isinalin sa Filipino ni WillitaA. Enrijo)

At ngayon, sinasabi ko na hayaan mong ipakita ko ang isang anyona dapat mabatid o hindi mabatid tungkol sa ating kalikasan:Pagmasdan! May mga taong naninirahan sa yungib na may lagusanpatungo sa liwanag na umaabot sa kabuuan nito. Silay naroroon mulapagkabata, at ang kanilang mga binti at leeg ay nakakadena kungkayat hindi sila makagalaw, hadlang ito sa pagkilos pati ngkanilang mga ulo .

Sa di kalayuan, sa taas at likod nila ay may apoy na nagliliyab,sa pagitan ng apoy at mga bilanggo may daang papataas. Kung angpaningin mo ay dadako sa mababang pader nito, maihahalintulad itosa isang tabing na pinagtatanghalan ng mga puppet.

Nasilayan ko. At nasilayan mo rin ba ang mga taong dumadaan sapagitan ng mga dingding na may dala- dalang mga monumento atlarawan ng mga hayop na likha sa kahoy at bato? Ang iba sa kanilaay nagsasalita, ang iba ay tahimik. Naipakita mo sa akin angkakaiba nilang imahe. Sila nga ay kakaibang mga bilanggo.

(Video) Plato’s Allegory of the Cave - Alex Gendler

Katulad natin, ang tugon ko, na ang tangi nilang nakikita aypawang sarili nilang mga anino? Totoo, ang sabi niya, paano nilamakikita ang ano man kung hindi sila pinahihintulutang gumalawmaging ang kanilang mga ulo? At may mga bagay na dapat lamangdalhin sa paraang dapat lamang makita ng mga anino? Oo, sabi niya.At kung nakaya nilang hindi sumang-ayon sa isat isa, hindi ba nilaipinalalagay na sila ay tumutukoy ng kung ano pa man para sakanila?

Tunay nga. At sa higit pang pagpapalagay na ang mga bilanggo aymay alingawngaw mula sa ibang dako, hindi ba nila natitiyak na bakaguniguni lamang ito ng isang dumaan at may ipinagpapalagay tungkolsa pinagmumulan ng tinig?

Walang tanong-tanong, ang tugon. Sa kanila, ang sabi ko, angkatotohanan ay walang kahulugan kundi ang anino ng mga imahe. Iyanang tiyak. Ngayon, balikan muli natin kung ano ang likas namagaganap kung sakaling ang mga bilanggo ay maging malaya at dimaaabuso sa kanilang pagkakamali. Sa una, kung ang isa sa kanila aymapalalaya at biglang tumayo, lumingon, lumakad at tumingin patungosa liwanag. Magdurusa sa sobrang sakit. Ito mismo angmagpapalungkot sa kaniya.

Gayundin hindi niya makikita ang dati niyang kalagayan sapagkatang tanging nakikita niya ay mga anino lamang. Pagkatapos isaisip,tinuran ng isa na ang kaniyang nakita noong una ay guniguni lamang,ngunit ngayon, siya ay papalapit na sa pagkatao. Nakikita niya,mayroon na siyang maliwanag na pananaw- ano ang magiging tugonniya?

Gayundin hindi niya makikita ang dati niyang kalagayan sapagkatang tanging nakikita niya ay mga anino lamang. Pagkatapos isaisip,tinuran ng isa na ang kaniyang nakita noong una ay guniguni lamang,ngunit ngayon, siya ay papalapit na sa pagkatao. Nakikita niya,mayroon na siyang maliwanag na pananaw- ano ang magiging tugonniya?

O kayay, maaari mong isipin na ang kaniyang guro ay nagtuturo ngmga bagay na dapat niya lamang kilalanin. Hindi ba siyanagugulumihanan? Hindi kaya siya mahumaling na ang anino nakaniyang nakita noong una ay mas tunay kaysa mga bagay na nakikitaniya sa kasalukuyan?

Malayong katotohanan. At kung siya ay napilitang tumingin nangdiretso sa liwanag, wala ba siyang nararamdamang sakit upang siyaymagkubli sa nakikitang bagay? Kaniya bang aakalain na siya ay nasakatotohanang mas maliwanag kaysa mga bagay na nakikita sakasalukuyan?

Totoo, ang sabi niya. At kung ipinalalagay pang muli na siya ayatubiling hinila pataas sa matarik at bako-bakong daan hanggangsapilitan siyang makarating sa harap mismo ng araw, hindi ba siyamahihirapan at magagalit? Kapag nilapitan niya ang liwanag, angkaniyang mga mata ay maaaring masilaw at hindi niya magagawangmakita ang mga bagay-bagay sa kasalukuyan - ang katotohanan.

(Video) ALEGORYA NG YUNGIB (Ni: PLATO) Paliwanag sa Sanaysay

Hindi muna sa kasalukuyan, sabi niya.Kailangang mahirati angkaniyang paningin sa dakong itaas ng mundo. At makita niya nangmaliwanag ang mga anino, kasunod ay ang repleksiyon ng tao at ibapang bagay sa tubig, at ang mismong mga bagay. Pagkatapos, tititigsiya sa liwanag ng buwan at mga bituin, at sa maningning nakalangitan; at kaniyang makikita ang ulap at mga bituin sa gabinang mas maningning kaysa liwanag ng araw na hatid ng umaga.

Tiyak. Higit sa lahat, magkakaroon siya ng kakayahang makita angaraw, hindi lamang ang repleksiyon niya sa tubig kundi makikitaniya ang sarili sa kinaroroonan, at hindi sa iba pa man, at siya aymakapagninilay-nilay kung sino siya.

Tiyak. At siya ay makararating sa pagtatalo na siya mismo aynaglaan ng panahon. At ang gumagabay sa lahat ng ito ay yaongnakikita sa mundo, na naging dahilan upang siya at ang kaniyangkapwa ay masanay sa pagtitig.

Maliwanag, sabi niya, una niyang makikita ang liwanag pagkataposang dahilan tungkol sa kaniyang sarili. At kung maalala niya angdating tahanan, at ang karunungan sa yungib pati ang mga kapuwabilanggo, hindi ba niya maipalalagay na mapaliligaya niya angsarili sa pagbabago at kaawaan na lamang sila?

Tiyak at tumpak. At kung sila ay nasanay na sa pagtanggap ng mgakarangalan sa kung sino sa kanila ang mabilis na makapuna sapagdaan ng mga anino at makapagsabi kung sino ang nakaranas niyondati? Kung sinuman ang makapagpapasiya nang mahusay para sakinabukasan, sa iyo bang palagay sino ang makapag-iingat satinatawag na dangal at kaluwalhatian? O kayay kainggitan ba ang maytaglay nito? Hindi ba niya babanggitin ang tinuran ni Homer.

Mas mabuting maging mahirap na alipin ng dukhang panginoon. Atmatututuhang tiisin ang mga bagay kaysa isaisip ang kanilangginagawa at mamuhay katulad ng kanilang gawi? Oo, ang sabi niya. Sapalagay ko ay pipiliin niyang magtiis kaysa aliwin ang mga huwad naakala at mabuhay sa kahabag-habag na kalagayan.

Para makatiyak, sabi niya. At kung mayroon mang paligsahan, atkailangan niyang makipagtagisan sa pagsukat sa mga anino kasama angmga bilanggo na kailanman ay di nakalaya mula sa yungib. Sasandaling ang paningin ay nananatiling mahina, at bago ito magingmatatag (may dapat isaalang alang sa panahon na kakailanganin upangmakamit ang bagong kalagayan ng paningin) hindi ba siyakatawa-tawa?

Sasabihin ng tao sa kaniya na ang pagpunta at pagdating niyanang wala ang mga paningin ay mas mabuti na hindi na lamang isaisipang pag-unlad. At kung sinuman ang sumubok na palayain ang iba atgabayan patungo sa liwanag; hayaang hulihin ang nagkasala at dalhinnila sa kamatayan.

(Video) Alegorya ng Yungib

Walang tanong, ang sabi niya. Ito ang kabuuan ng alegorya, angsabi ko; maaari mong dagdagan mahal kong Glaucon ang mga datingkatuwiran. Ang bilangguan ay mundo ng paningin, ang ilaw ng apoy ayang araw. Hindi mo ako mamamali kung ipakakahulugan mo na angpaglalakbay papataas ay maging pag-ahon ng kaluluwa patungo saintelektuwal na mundo batay sa mahina kong paniniwala.

Aking ipinahahayag, ito ay batid ng Diyos maging tama man omali. Ngunit tunay man o huwad, ang aking opinyon sa mundo ngkarunungan ay ito, ang ideya ng kabutihan ay nananatili sa huli atmatatagpuan lamang nang may pagpupunyagi; at kapag itoy natagpuan,ang lahat ng bagay na maganda at tama sa daigdig at ang pangunahingpinagmumulan ng dahilan at katotohanan ay yaong sinumang maykapangyarihang kumilos nang may katuwiran sa publiko o pribadongbuhay. Samakatuwid kailangan na ang kaniyang mga mata ay maymatibay na tuon para sa mga bagay na ito .

Sumasang-ayon ako, sabi niya, hanggat may kakayahan akongmaunawaan ka. At ang sabi ko, huwag kang magtaka sa iba na maymagandang pananaw na ayaw man lang magbahagi para sa kapakanan ngtao; para sa kanilang kaluluwa sa itaas ng mundo ay madali lamangkung saan silay naghahangad na manirahan; magiging likas angkanilang paghahangad, kung ang ating alegorya aymapagkakatiwalaan.

Oo, tunay na likas. At mayroon bang bagay na nakapagtataka samga taong nakadaan mula sa banal na pagninilay-nilay patungo samakasalanan nilang kalagayan o gumawa ng labag sa kagandahang-asal?Samantala, habang ang kaniyang mga mata ay kumukurap bago siyamahirati sa kadiliman, siya ay mapipilitang lumaban sa korte o saibang lugar, tungkol sa anino ng imahe ng katarungan atmagpupunyaging maunawaan nang ganap ang katarungan.

Anuman, ngunit kamangha-mangha ang kaniyang tugon. Sinuman angmay wastong pag-iisip ay mababatid na ang pagkalito ng mga paninginay dalawang uri o nanggaling sa dalawang dahilan, maaaring mula sapaglabas ng liwanag o patungo sa liwanag. Kapag nakita niya nasinuman na may pananaw na magulo at mahina ay masasabing hindi pahandang humalakhak. Una niyang itatanong kung ang kaluluwa ba ngtao ay maghahatid nang maliwanag na buhay?

O kayay maglalapit mula kadiliman patungo sa araw na labis nanakasisilaw? At kaniyang bibilangin ang maligayang kalagayan niya,at siya ay maaawa sa iba, o kung nasa isipan man niyang pagtawananang kaluluwa na nanggaling mula ilalim patungo sa liwanag, mayroonpang mga dahilan bukod dito kaysa mga halakhak na bumati sa kaniyaat bumalik mula sa itaas ng liwanag patungo sa yungib

Iyan, ang sabi niya na dapat itangi. Matapos mong mabasa angakda, tiyak na nalaman mo ang pananaw o kaisipan ni Plato sa halagang pagkakaugnay ng kapaligiran sa karunungang tinataglay ng tao atano ang pagkakaiba nito sa sariling kaisipan. Ngayon, alam konghanda ka nang isagawa ang mga gawain na makatutulong sa iyo upangmasagot ang tanong na: Paano makatutulong ang sanaysay na magkaroonng kamalayan sa kultura at kaugalian ng isang bansa upang makabuong sariling pananaw?

MGA TANONGIbigay ang paksa ng sanaysay. 2. Kung ang tinutukoy namga tao sa yungib ay ang sangkatauhan, bakit sila tinawag na mgabilanggo ni Plato? Pangatuwiranan ang sagot.

(Video) ANG ALEGORYA NG YUNGIB ni PLATO

3. Sa unang bahagi ng sanaysay, paano nakilala ng mga bilanggoang katotohanan ng mga bagay-bagay? Magbigay ng mga patunay.Bigyang- kahulugan ang naramdaman ng bilanggo nang siya ay makaalissa yungib at matitigan ang liwanag ng apoy? Ano ang naisipakahulugan ng pangyayaring ito?

4. Ipaliwanag ang mahalagang natutuhan ng bilanggo mula sapagtingin sa liwanag na nasa labas ng yungib.

5. Magbigay ng reaksiyon sa ideya ng bawat pahayag. A.Nakakadena ang mga binti at leeg kayat di sila makagalaw. B. Masmabuting maging mahirap na alipin ng dukhang panginoon. C. Magtiiskaysa aliwin ang mga huwad na akala.

D. Ang ideya ng kabutihan ay nananatili sa huli at matatagpuanlamang nang may pagpupunyagi. E. Sinuman ang kumilos nang maykatuwiran sa publiko o pribadong buhay, kailangan ang kaniyang mgamata ay may matibay na tuon.

6. Paano ipinakilala ni Plato ang kahalagahan ng katotohanan atedukasyon sa buhay ng sangkatauhan? Ipaliwanag. 7. Sumasang-ayon kaba sa argumentong inilatag ni Plato sa kaniyang sanaysay tungkol sakatotohanan at edukasyon? Pangatuwiranan ang iyong sagot.

8. Naging makahulugan ba ang ideyang ipinahihiwatig sa wakas ngsanaysay? Patunayan. 9. Masasalamin ba sa binasang sanaysay angkultura at kaugalian ng bansang Gresya? Sa paanong paraan inilahadito ng may-akda?

Inihanada ni:Gng. LORELYN U. DELA MASACabatuan National HighSchool

Videos

1. Allegory of the Cave ppt vid.mov
(ajev19)
2. PLATO POWER POINT
(epchsphilosophy)
3. Basic Virtual Bitmoji Classroom in Tagalog explanation
(SefinaTV)
4. HELE NG INA SA KANIYANG PANGANAY (Tula mula sa Uganda)
(SefinaTV)
5. How To Make Random Name Picker on Flippity (Tagalog)/(Taglish)
(SefinaTV)
6. EXISTENTIALISM | Tagalog 2023
(Binibining Meña)
Top Articles
Latest Posts
Article information

Author: Pres. Carey Rath

Last Updated: 11/05/2023

Views: 5307

Rating: 4 / 5 (41 voted)

Reviews: 88% of readers found this page helpful

Author information

Name: Pres. Carey Rath

Birthday: 1997-03-06

Address: 14955 Ledner Trail, East Rodrickfort, NE 85127-8369

Phone: +18682428114917

Job: National Technology Representative

Hobby: Sand art, Drama, Web surfing, Cycling, Brazilian jiu-jitsu, Leather crafting, Creative writing

Introduction: My name is Pres. Carey Rath, I am a faithful, funny, vast, joyous, lively, brave, glamorous person who loves writing and wants to share my knowledge and understanding with you.